Oral health apektado ng Bad Habits mo
Isa sa mga hindi natin dapat na kaligtaan ang ukol sa oral health. At hindi lamang pagsesepilyo ng ngipin ang paraan para mapangalagaan ang ating ngipin at bibig.
May mga bad habit na nakaaapekto sa ating oral health, at isaisahin natin kung ano-ano ang mga ito . una, ang hindi pag-inom ng tubig na nagreresulta sa bad breath, gayundin ang pagkain ng junk foods, kahit ang mga matatamis na pagkain.
Isa pang bad habit ay ang nail biting. Ang epekto nito ay hindi lang ngipin ang nasisira kundi may epekto din sa pagkagat o biting.
Ang sobrang madiin o malakas na pagsesepilyo ay hindi rin tama. Sa sobrang lakas ng pagsesepilyo, na halos mabutas ang ngipin at mauka. Pwedeng manilaw at mangilo.
Kung iniisip ng ilan na kapag hindi madiin ang pagsesepilyo ay baka hindi maalis ang dumi sa ngipin, gusto kong ipaalala sa inyo na hindi nakabubuti ito, sa halip ay “damage” ang ginagawa sa ngipin.
Alam po ba ninyo na pwedeng maputol ang ngipin sa sobrang diin ng pagsesepilyo?
Samantala, ang paninigarilyo isa pang bad habit, dahil sa ang ngipin ay nagkakaron ng discoloration at maaaring mamatay ang nerves sa loob.
Kaya nga mahalagang maiwasan ang mga nabanggit na bad habits, kung paano maiiwasan? Kapag nagsesepilyo, gawing marahan o malumanay, ikalawa, umiwas sa pagkain ng matatamis at uminom ng tubig, pangatlo, sa mga nagne-nail biting maglagay o magsuot ng dental appliance.
Maraming bad dental habits na dapat itama. Hindi sapat ang pagsesepilyo lamang. Iwasan na gamitin ang ngipin sa pagkagat sa butones, pamutol ng sinulid o pang-alis ng cap o tansan, at kung ano-ano pa. Huwag ding bunot ng bunot ng ngipin lalo na sa mga bata, mali na isipin na milk teeth pa naman, ang pwedeng maging epekto nito ay maubos ang ngipin at magkaron ng “malocclusion” o ang ngipin ay wala sa normal na posisyon.
Dapat nga kapag nabungi o naalis ang isang ngipin lalo na sa mga bata, ay dapat na i-restore o maglagay ng space maintainer.
At sana naman nakatulong ang naging paksa natin at huwag ipagwalang- bahala lamang.