Oral Health Discomforts
Gusto kong ibahagi sa inyo ang oral health discomforts na binabalewala ng marami.
Bibigyan ko kayo ng example, kumakain ka tapos nakaramdam ka ng sharp pain (biglaang sakit na matindi), kaya pala ganun ay meron na palang untreated sa loob ng ngipin.
Palibhasa ay hindi nakikita kaya hindi na pinagtutuunan ng pansin kung bakit sumakit.
Matapos na uminom ng pain reliever, okay na.
Hindi nagtanong bakit kaya biglang sumakit ang ngipin ko?
Hindi inisip na baka may problema, kaya hindi rin naisip si dentista.
Ang hindi alam, may root caries na pala, nasa ilalim ng gums.
Malalaman lang ito kapag ipinatingin sa dentista. Kapag ganito ang naramdaman n’yo, sharp pain, huwag po ninyong balewalain.
Hindi ninyo mararamdaman ang sharp pain kung walang problema.
Ang isa pang oral discomfort ay sensitivity.
Nangingilo ang ngipin pero binabalewala din.
Karaniwan na ang kanilang pangingilo kaya hindi na nila pinapansin.
‘Yung mga nagga-grind ng teeth sa gabi or nagki-clench ng teeth, mga madidiin na magsepilyo, may problema ‘yan sa sensitivity, pero ang ginagawang solusyon, bibili lang sa supermarket ng toothpaste for sensitive teeth, at never nagpapa-check sa dentist, unless lumala na.
Karaniwan, kapag sensitive ang ngipin kung ano-ano ang binibili na over the counter medicine.
Hindi maalala si dentista.
May isa pang discomfort, ito naman ‘yung throbbing pain.
Ito ‘yung parang tumitibok, nagpa-palpitate.
Ibig sabihin, kapag tumibok at hanggang ulo mo na nararamdaman ang sakit, aba ang ibig sabihin ang ngipin ay naghihingalo na.
Pero, marami ang ginagagawa ay umiinom ng pain reliever.
Kahit paulit-ulit na nararamdaman ang throbbing pain, hindi ‘yan pupunta sa dentista.
Eto pa ang isa, cracked tooth.
Kapag mahilig kang kumagat ng mga matitigas.
Hindi mo alam na may ngipin palang nababasag sa loob.
Totally, hindi ito nakikita sa labas.
Nakararamdam ng pagsakit ng ulo, pero wala makita na sira sa ngipin kasi nga nasa loob ang basag, ‘yung crack.
Kapag cracked tooth, ibig sabihin may trauma. Nagka-crack dahil sa sobrang lakas ng bite o kagat.
So, ayan ang ilang sa ilang oral health discomforts na maaaring naramdaman na rin ninyo, sana ay huwag kayong matakot na magpatingin sa isang functional dentist, o sa isang dentista, for sure, malaki po ang maitutulong nila.