Oras at araw ng Voter registration sa mga piling lugar, pinalawig pa ng COMELEC

Nagdagdag pa ng araw at oras ang Commission on Elections para sa Voter registration sa ilang piling lugar sa bansa.

Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez, ito ay upang ma-accomodate ang lahat ng mga nais magparehistro para sa May 2022 elections.

Photo: COMELEC

Alas-9:00 ng umaga hanggang alas-7:00 ng gabi ang Voter registration mula Lunes hanggang Biyernes habang 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon tuwing Sabado, October 16 at 23 sa mga sumusunod na lugar:

  1. NCR – all cities at muncipality
  2. Pangasinan – Alcala at San Quintin municipalities
  3. Tarlac – Tarlac city, Capas at Concepcion
  4. Quezon province – all municipalities at cities
  5. Camarines Norte – Labo municipality
  6. Sorsogon – Castilla
  7. Cebu province – Cebu, Mandaue at Lapu-Lapu cities

Mananatili naman sa 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon ang registration hours sa iba pang localities pero may Saturday registration na October 16 at 23.

Ito ay ang mga sumusunod na lugar:

  1. Pangasinan – Anda, Sto. Tomas at Sual muncipalities
  2. La Union – Aringay, Balaoan at Caba municipalities
  3. Ilocos Sur- all municipalities and cities
  4. Camarines Sur – Balatan, Bula, Cabusao, Goa, Lagonoy, Libmanan, Magarao, Minalabac, Ragay, Sagñay, San Fernando, San Jose, Tigaon at Tinambas

Samantala, sabi ng Comelec na nasa 5 milyon na ang naitalang bagong mga botante para sa May 2022 elections as of October 14.

Please follow and like us: