Oras ng curfew sa Maynila mas pinaiksi na
Mas pinaiksi na ang oras ng curfew sa Lungsod ng Maynila.
Batay sa bagong ordinansa na ipinasa ng konseho at nilagdaan ni Manila Mayor Isko Moreno, hanggang sa Nobyembre 30 ay magiging 12:00am hanggang 4:00 am na ang oras ng curfew sa lungsod.
Habang simula naman sa Disyembre 1 ay 12:00 am hanggang 3:00 am na ang oras ng curfew.
Ang pagpapaiksi sa oras ng curfew ay bilang paghahanda narin sa nalalapit na holiday season.
Pero paaalala ng alkalde sa kabila ng pinaiksing oras ng curfew ay mahigpit paring pinaiiral sa Maynila ang community quarantine at social distancing protocols bilang pag iingat sa Covid-19.
Ang mga menor de edad naman ay hindi sakop ng pinaiksing oras ng curfew.
Para sa mga menor de edad, ang curfew hours ay nananatiling 10:00 pm hanggang 4:00 am.
Ang bagong ordinansa ay epektibo agad matapos malagdaan ng alkalde.
Madz Moratillo