Oras ng paggamit ng videoke at karaoke sa San Juan City, nilimitahan
Limitado na ang oras ng paggamit ng mga videoke at karaoke sa lungsod ng San Juan para bigyang-daan ang online, blended at distance learning classes ng mga mag-aaral.
Sa ordinansa ng lokal na pamahalaan, pwede na lamang gumamit ng videoke at karaoke, at ang pagpapatugtog ng malakas mula alas-6:00 ng gabi hanggang alas-9:00 ng gabi ng Lunes hanggang Sabado, at mula alas-9:00 ng umaga hanggang alas-9:00 ng gabi ng Linggo.
Papatawan ng parusa ang sinumang lalabag sa ordinansa.
Para sa unang paglabag ay multang 3,000 piso at sa susunod na paglabag ay multang 5,000 piso o pagkakakulong ng tatlong buwan o pareho.
Moira Encina