Oras ng unang araw ng Bar Exams, in-adjust ng Korte Suprema
Magkakaroon ng kaunting adjustment sa oras ng unang araw ng bar examinations sa Pebrero 4.
Ito ay kasunod ng kahilingan sa Korte Suprema sa maagang dismissal ng eksaminasyon para maiwasan ang rush-hour overcrowding at mabigyan ng sapat na oras ang mga examinees na makapagpahinga sa pagitan ng bar exam dates.
Sa bar bulletin na inilabas ni Bar Chair at Associate Justice Marvic Leonen, sinabi na partikular na binago ang oras ng pagsusulit sa hapon ng Pebrero 4
Mula sa dating 2:00 ng hapon hanggang 6:00 ng gabi, ginawa na itong 1:50 ng hapon hanggang 5:50 ng hapon.
Inaasahan pa rin na pagkatapos ng lunch break ay balik na muli sa kanilang mga upuan ang mga examinees bago mag-1:30 ng hapon.
Mananatili naman sa 8:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali ang oras ng morning examination sa nasabing petsa.
Wala ring pagbabago sa iskedyul ng second day ng eksaminasyon sa Pebrero 6.
Moira Encina