Ordinansang magbibigay ng ayuda para sa mga napauwing OFW na taga General Trias City Cavite, naaprubahan na.
Inaprubahan na ng City Gov’t of General Trias ang ipinasa’ nitong Ordinance No. 20-46, na nag-uutos ng pagbibigay ng financial assistance para sa mga pinauwing documented OFW na taga lungsod.
Ang mga naturang OFW ay ang mga nawalan ng trabaho dahil sa Covid-19 pandemic.
Sa mga napauwing OFW na taga General Trias City, ang mga aplikasyon ay kinakailangang isumite gamit ang mga link na ibinahagi sa Facebook page ng lungsod hanggang sa Mayo 14, 2021.
Isasailalim din sa assesment and validation ang aplikasyon ng OFW na nagnagnanais makatanggap ng financial assistance mula sa lokal na pamahalaan.
Ang tulong pinansyal na ipagkakaloob ng City Gov’t ng General Trias para sa mga dokumentadong OFW ay inisyatibo ng lungsod para kahit paano ay makakatulong na maibsan ang epekto ng pagkawala ng kanilang kabuhayan sanhi ng nagpapatuloy na pandemya bunsod ng Covid 19.