Oriental mindoro , idineklara ng Malaria free
Idineklara na bilang malaria free ang Oriental Mindoro.
Ito ay matapos makapasa ang lalawigan sa ginawang review ng National Malaria Elimination and Control Technical Working Group.
Kasabay ng kanyang pagbati sa mga lalawigan ay ang paalala naman ni Department of Health OIC Ma Rosario Vergeire na hindi nagtatapos rito ang trabaho.
Mahalaga aniya ang papel ng lahat para mapanatiling ligtas mula sa sakit na malaria ang buong lalawigan.
Ilan sa mga maaari aniyang gawin ay ang pagtatag ng malaria surveillance and response, health promotion, at malaria case management.
Ayon kay Vergeire, sa 81 lalawigan sa bansa 80 na ang deklaradong malaria free.
Ang natitira na lang na may kaso ng malaria ay ang lalawigan ng Palawan.
Madelyn Villar – Moratillo