Orientation-Seminar ukol sa tamang paggamit at pangangasiwa ng budget ng mga Sangguniang Kabataan Official, pinangunahan ng Kawit Cavite Municipal Gov’t.

Nagsagawa ng orientation-seminar ang Kawit Cavite Municipal Govt. para sa mga opisyal ng Sagguniang kabataan sa kanilang bayan. 


Ito ay para magabayan ang mga SK official ng tamang paggamit at pangangasiwa ng kanilang budget. 


Pinangunahan ang orientation-seminar ng opisyal mula sa Kawit municipal Accounting Office. 


Kabilang sa mga tinalakay ay ang pagiging responsable sa pag-gamit ng budget, kasama ang pagbuo ng mga programa sa kani-kanilang barangay.


Tinuruan din ang mga SK Official ng tamang pag-gawa ng financial report at inilahad rin dito ang mga alituntunin mula sa BIR na dapat isaalang-alang ng mga opisyal kung sila ay gagawa at magsusumite na ng financial reports. 


Ang aktibidad na ito ay bahagi ng programa ng lokal na pamahalaan ng Kawit Cavite para gabayan ang mga SK officers, para maghatid at makapagbigay ng tunay at dekalidad na serbisyo para sa kanilang bayan.

Ulat ni Jet Hilario

Please follow and like us: