Osaka, umabante na sa US Open; Murray tinalo ni Tsitsipas
NEW YORK, United States (AFP)- Umabante na ang defending champion na si Naomi Osaka sa US Open, habang tinalo naman ng Greek third seed na si Stefanos Tsitsipas si Andy Murray sa limang sets.
Tinalo ni Osaka ang 87th-ranked Czech na si Marie Bouzkova sa score na 6-4, 6-1 sa Arthur Ashe stadium. Makakatunggali naman niya sa second-round matchup ang Serbian qualifier na si Olga Danilovic.
Si Bouzcova ay tinalo na rin ni Osaka sa first round ng Australian Open ngayong taon.
Samantala, dinaig naman ni Tsitsipas ang three-time Grand Slam champion na si Murray ng Britanya sa score na 2-6, 7-6 (9/7), 3-6, 6-3, 6-4 makaraan ang apat na oras at 49 na minuto.
Ayon sa 2021 French Open runner-up na si Tsitsipas . . . “It didn’t come easy.”
Ang two-time Olympic champion, ranked 112th na si Murray ay natalo sa unang pagkakataon sa unang 15-round US Open matches.
Naging mahigpit naman ang mga kinauukulan sa fans na nanood ng live sa Arhur Ashe Stadium, dahil kailangan nilang magpakita ng proof of vaccination bago makapasok.
Sinabi ng ilang manlalaro, na bumalik ang sigla sa games dahil sa presensiya ng fans.
Ayon kay 2017 US Open winner Sloane Stephens . . . “Having these fans out and the energy, the atmosphere, it brings a lot back to tennis.”
Sinabi ni Tsitsipas . . . “To have an electric atmosphere out here is something we’ve been waiting for.”
Pahayag naman ni Osaka . . . “It feels kind of crazy to play in front of everyone again, I feel really comfortable here. I’m just glad I won.”
Agence France-Presse