Oscar nominees nagpasalamat dahil muli silang nagkatipon sa isang ballroom
Nagtipon sa isang ballroom sa Los Angeles nitong Lunes, ang Oscar nominees mula kina Steven Spielberg at Will Smith hanggang sa first-time Bhutanese director na si Pawo Choyning Dorji, habang ang award season ng Hollywood ay papasok na sa huling yugto nito.
Ang maningning na taunang pananghalian ng Academy para sa mga nominadong A-lister at indie auteurs ay hindi naganap noong nakaraang taon dahil sa pandemya, ngunit ngayon ay muling nagbabalik kasama ang mga bituin at mga gumawa ng pinakamahusay na mga pelikula na ipinalabas noong 2021, ang taon kung saan maraming mga sinehan ang muli nang nagbukas.
Sina Javier Bardem at Penelope Cruz ay nakipagkuwentuhan kina Guillermo del Toro at Maggie Gyllenhaal, habang si Denzel Washington naman ay nag-pose para makunan ng larawan ng kaniyang mga tagahanga.
Ayon kay Will Packer, producer ng 94th Academy Awards show . . . “If there’s ever been a time to be grateful for, and to revel in, an occasion that allows us to be in the same room, ladies and gentlemen, this is the year.”
Magsisimula ang botohan sa susunod na linggo bago ang March 27 prize-giving gala.
Wika ni Benedict Cumberbatch — bida sa Oscar best picture contender na “The Power of the Dog,” na unang nag-premiere sa Venice film festival noong Setyembre . . . “I am happy to keep banging the drum for the Western, especially with director Jane Campion absent due to a positive Covid-19 test. I believe this (film) will stand the test of time. Campion was fine and experiencing no symptoms.”
Present din ang cast ng “CODA,” isang drama tungkol sa isang pamilya ng mga bingi at ng kanilang musical child, na nagwagi sa Screen Actors Guild (SAG) awards para sa best cast.
Pahayag ng aktres na si Emilia Jones . . . “We’re such a tight cast, so it was a lovely prize to win — it was so unexpected.”
Ang CODA ay unang nag-premiere sa virtual Sundance festival noong January 2021, ibig sabihin si Jones at ang mga kasama niya sa pelikula ay nangangampanya pa rin laban sa mga pelikulang lumabas ilang buwan pagkatapos nila.
At mayroon ding “Lunana: A Yak in the Classroom,” ang unang pelikulang Bhutanese na hinirang para sa isang Academy Award, na orihinal na isinumite noong nakaraang taon ngunit pinigil dahil sa isang teknikalidad.
Noong una ay inakala ni Director Dorji, na nagkaroon ng pagkakamali nang i-anunsiyo ang “historic nomination” ng kaniyang pelikula.