Oscars ceremony magtatampok ng isang ‘respectful moment’ tungkol sa Ukraine
Sa gagawing pagtitipon ng mga A-list celebrity ng Hollywood para sa kanilang taunang pagdiriwang ng mga pelikula sa Academy Awards, kikilalanin din ng live telecast ang mga epekto ng pagsalakay ng Russia sa Ukraine.
Ang mga organizer ay nagbigay ng ilang mga detalye nitong Huwebes, ngunit sinabi na magkakaroon ng isang sandali sa panahon ng seremonya ng Oscars na kikilalanin ang pagsalakay, na ikinasawi na ng libu-libo at nagpalikas sa sang-kapat na bahagi ng 44 milyong katao ng Ukraine mula sa kanilang mga tahanan.
Ayon sa producer na si Will Packer . . . “While we want the night to be fun and celebratory (and) we want it to be an escape, this is a tumultuous time around the world. The COVID-19 pandemic also remained a concern. The show will acknowledge those things and do it in a way that is respectful.”
Ang Academy Awards ay ibo-broadcast ng live sa DIS. N ABC ng Walt Disney Company.
Ayon kay Wanda Sykes, isa sa tatlong female comedians na host ng show . . . “Producers have ‘something planned that we love’ regarding the situation in Ukraine. It’s organic and it’s thoughtful.”
Noong nakaraang linggo, sinabi ng co-host ng Oscars na si Amy Schumer na nagpahayag siya ng ideyang imbitahan si Ukrainian President Volodymyr Zelenskiy na lumabas sa pamamagitan ng satellite, ngunit tinanggihan siya ng mga producer.
Subali’t nitong Huwebes ay sinabi ni Packer, na hindi naman tuluyang isinasantabi ang ideya.
Aniya . . . “The show is still in process, so that’s not something we would say definitively say one way or the other at this point.”