OSG biniberipika pa kung totoo ang ulat ng UK security firm ukol sa sinasabing data breach
Nagsasagawa pa ng “proper verification” ang Office of the Solicitor General ukol sa report ng isang UK security firm na nagkaroon ng data breach sa mga legal documents ng tanggapan.
Sa statement ng OSG, sinabi na kailangan na maging maingat ito sa mga “unverified reports” na tinatanggap ng opisina.
Ayon sa OSG, aakto sila sa sinasabing data exposure pagkatapos na maberipika kung totoo ang mga nasabing ulat.
Tiniyak ng OSG na nakalatag ang lahat ng mga kinakailangan hakbang para maprotektahan ang mga confidential at sensitibong impormasyon na nilalaman ng mga isinusumite nitong dokumento sa mga korte.
Siniguro rin ng OSG sa taumbayan na mapapatawan ng parusa ang mga paglabag sa data privacy laban sa estado at mga kliyente nito.
Batay sa London-based na TurgenSec, naisapubliko online ang mahigit 300,000 court documents mula sa OSG sa loob ng ilang buwan.
Moira Encina