OSG Calida iprinisinta sa oral arguments ng Korte Suprema ang ISIS flag na narekober sa Marawi City

calida3

Courtesy of Wikipedia.org

download
courtesy of wikipedia.org

Ipinakita ni Solicitor General Jose Calida sa mga mahistrado ng Korte Suprema ang bandila ng ISIS na narekober ng mga Scout Ranger sa Marawi City noong Mayo a bente tres kung kailan nagsimula ang engkwentro ng Militar at Maute group.

Ang ISIS flag ay ipinirisinta ni Calida sa kanyang opening statement sa oral arguments ng Korte Suprema kaugnay sa mga petisyon na kumukwestyon sa batas militar sa Mindanao.

Binigyang-diin ni Calida na maraming buhay ng sundalo ang nasakripisyo para makuha ang naturang bandila.

Giit pa ni Calida, ang watawat ng ISIS ay simbolo ng rebelyon na pinangungunahan ni Isnilon Hapilon ang lider ng Abu Sayyaf group.

Ang ASG aniya kasama ang Maute group, Ansarul Khilafah Philippines at BIFF ay nagpahayag ng alyansa sa ISIS na ang pakay ay magtatag ng Wilayah o islamic province sa Mindanao.

Kaugnay nito ay hiniling ni Calida na magkaroon ng moment of silence bilang pagkilala sa mga nasawing sundalo na nakipaglaban para sa soberenya ng bansa.

Ulat ni: Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *