OSG, iginiit na kailangang umugnay sa bansa ang ICC kung magsisilbi ng arrest warrant
Nanindigan ang Office of the Solicitor General (OSG) na hindi maaaring basta- basta magpatupad ng warrant of arrest ang International Criminal Court (ICC) sa bansa.
Kaugnay ito sa pahayag ni dating Presidential Spokesman Atty. Harry Roque na may impormasyon si dating Pangulong Rodrigo Duterte na anumang oras ay maaari siyang arestuhin.
Sinabi ni Solicitor General Menardo Guevarra na wala silang impormasyon sa nasabing arrest warrant.
“ The ICC is supposed to give notice to and seek the assistance of the state concerned to effect the service of any legal process, especially a warrant of arrest ” ani Atty. Guevarra.
Pero binigyang-diin ng SolGen na kailangang abisuhan ng ICC ang gobyerno o estado.
Kinakailangan din aniya na hingin ng ICC ang tulong ng pamahalaan para sa anumang legal na proseso gaya ng pagsisilbi ng arrest warrant.
Moira Encina