OSG nanindigan na walang hurisdiksyon ang ICC sa Pilipinas
Dismayado ang Office of the Solicitor General (OSG) sa desisyon ng mayorya ng International Criminal Court (ICC) Appeals Chamber na pagtibayin ang pagpapatuloy ng drug war probe sa Pilipinas.
Iginiit ng OSG na walang hurisdiksyon ang ICC sa Pilipinas dahil kumalas na ito sa Rome Statute ng ICC noon pang Marso 2019.
Ayon pa sa OSG, binalewala ng mayorya ng appeals chamber ang hamon ng Pilipinas ukol sa isyu ng hurisdiksyon sa pagsasabi na ang desisyon ng Pre Trial Chamber ay hindi ruling sa hurisdiksyon.
Sinabi ng OSG na ang desisyon ng appeals chamber ay katumbas ng pagtanggi nito na kilalanin ang pangunahin at sovereign rights ng Pilipinas na imbestigahan ang mga seryosong krimen.
Kaugnay nito, sinabi ng foreign legal counsel ng Pilipinas na si Sarah Bafahdel na walang enforcement power o hindi maoobliga ng ICC ang Pilipinas sa nais nito dahil wala itong police power.
Hindi rin aniya makapagpapalabas ng arrest warrant ang ICC dahil wala nga itong hurisdiksyon sa bansa.
Moira Encina