OSG tinawag na ‘political theatrics’ ang inihaing Writ of Amparo at Habeas data ng NUPL kaugnay sa sinasabing red – tagging at pagbabanta sa grupo
Isa raw na ‘political theatrics’ lamang ng National Union of People’s Lawyer ang inihain nitong writs of amparo at habeas data laban sa sinasabing red- tagging at pagbabanta sa grupo ng militar at gobyerno.
Ito ang pahayag ng Office of the Solicitor General sa pagbasura ng Court of Appeals sa petisyon ng NUPL.
Ayon sa OSG, layuning lamang ng NUPL na gipitin ang pamahalaan, si Pangulong Duterte at mga opisyal ng militar kahit pa walang legal at factual bases ang petisyon.
Imaginary lang din anila ang alegasyon ng NUPL na marahas na pag-atake sa mga miyembro nito dahil sa pag-ugnay sa grupo sa mga komunista.
Dahil dito, inihayag ng OSG na malinaw na tagumpay ng Rule of Law at Justice ang desisyon ng CA na hindi pagbigyan ang hirit ng NUPL na writ of amparo at habeas data.
Batay sa ruling ng appellate court, bigong mapatunayan ng NUPL ang banta sa kanilang buhay, kalayaan at seguridad dahil hindi ito nakapagprisinta ng mga ebidensya.
Ulat ni Moira Encina