Otsenta’y otso anyos na lalaki sa France, nagpatakbo ng mabilis dahil late na sa kaniyang vaccination schedule
STRASBOURG, France (AFP) – Isang 88-anyos na lalaki ang nahuling tumatakbo ng 191 kilometers (119 miles) per hour sa isang kalsada sa France.
Sa post ng pulisya sa social media, nakasaad na ikinatwiran ng lalaki na huli na siya sa kaniyang COVID-19 vaccine appoitnment kaya siya nagmamadali.
Ayon pa sa post ng mga pulis sa eastern French Bas-Rhin region, ang speed limit sa kalsada kung saan nahuli ang lalaki ay 110 kilometres per hour..
Kinumpiska ng mga opisyal ang driver’s licence ng lalaki at inimpound ang kaniyang sasakyan.
Nakasaad pa sa post . . . “For everyone’s safety, let’s comply with speed limits, even after more than 60 years with a driving licence.”
Simula pa nitong Enero ngayong taon, ang France ay nagbibigay na ng bakuna sa kanilang mga residente na higit 75 ang edad, kung saan priority ang mga ito sa vaccination programme ng bansa.
Sinabi ni French Prime Minister Jean Castex, na may resulta na ang kanilang estratehiya, at ito ay ang pagbaba sa bilang ng mga bagong nahahawaan sa kalipunan ng mga nasa 80-anyos na ang edad.
© Agence France-Presse