Ousted CJ Maria Lourdes Sereno inalala si dating Pangulong Noynoy Aquino
Isang mabuting tao at responsableng lider.
Ito ang paglalarawan ng napatalksik na punong mahistrado ng Korte Suprema na si Atty. Maria Lourdes Sereno kay dating Pangulong Noynoy Aquino.
Itinalaga ni Aquino si Sereno sa Supreme Court noong 2010 bilang associate justice at noong 2012 kapalit ni late Chief Justice Renato Corona na na-impeach sa puwesto.
Sa statement ni Sereno, sinabi nito na maaalala si Aquino sa kanyang pagpapalakas sa mga institusyon ng hustisya at accountability.
Aniya hindi kailanman niya narinig ang anumang pag-uusap na humingi ito ng pabor sa kanyang appointees sa Korte Suprema.
Ibinahagi rin ni Sereno ang mga salitang sinabi sa kanya ni Aquino nang hirangin siya nito bilang associate justice ng SC.
Naalala ni Sereno na si Aquino mismo ang tumawag sa kanya para ipabatid ang kanyang appointment sa Korte Suprema.
Nang tanungin aniya si Aquino kung ano ang maipapayo nito sa kanya ay sinabi lang nito na gawin niya kung ano ang tama.
Moira Encina