Outbreak ng African Swine flu, binubusisi na ng Senado

Inimbestigahan na rin ng Senate Committee on Agriculture ang outbreak ng African Swine flu.

Nauna nang nagpatupad ng ban ang Pilipinas para sa pagpasok sa bansa ng mga baboy mula sa Vietnam kasama na ang lahat ng pork products sa naturang bansa.

Sa pagdinig ng Senado, inamin ni Director Ronnie Domingo ng Bureau of Animal Industry na ngayong taon nagkaroon na rin ng outbreak ng swine flue sa Cambodia at Vietnam na una nang kumalat sa Africa, ibat-ibang bansa sa Europa at China.

Ayon kay Senador Juan Miguel Zubiri, kailangang malaman kung gaano na kalawak ang epekto ng swine flu at ano ang ginagawang hakbang ng gobyerno para mapigilan ang pagpasok nito sa Pilipinas at paano poprotektahan ang mga local farmers.

Pagtiyak ni Domingo, ligtas pa rin ang Pilipinas sa Swine Flu pero hindi raw dapat magpa kampante dahil ang virus ay walang gamot at mabilis na nakakahawa.

 

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *