Outdoor mask requirement, inalis na ng Spain
Inalis na ng Spain ang mandatory outdoor mask requirement, bagama’t karamihan ng mga tao sa Madrid ay nagsusuot pa rin, kung saan ang paggamit ng mask ay naging habit na nila.
Unang ipinatupad ng Spain ang obligatory outdoor mask-wearing noong May 2020, ngunit inalis na noong June 2021 subali’t ipinatutupad pa rin ang pagsusuot ng mask sa indoor public places.
Gayunman ay muling ipinatupad ng gobyerno ang panuntunan bago ang holiday season noong Disyembre, matapos ang pagbugso ng mga kaso dulot ng lubhang nakahahawang Omicron variant.
Ayon kay Alberto Diaz, isang pensioner mula sa southern Andalusia region na nasa Madrid para manood ng isang concert . . . “I’m wearing one and I’ll keep on doing so even though the law says I can take it off.”
Naging habit na ang pagsusuot ng face masks sa magkabilang panig ng Spain sa lahat ng pampublikong lugar, sa loob man o sa labas gaya ng maraming siyudad sa Asya.
Bagama’t mananatili silang compulsory sa malalaking open-air gatherings kung saan hindi posible ang social distancing, hindi na sila kakailanganin sa mga palaruan ng paaralan.
Wika naman ng bagong kasal na sina Ricardo Alfredo Sanchez at Yvette Candero . . . “It’s not the same having a souvenir photo taken with your face covered, you can’t see the person’s expression or how happy they are.”
Sa isa pang inaasahang hakbang, sa hilagang-silangan na rehiyon ng Catalonia, ang mga nightlife venue ay nakatakdang magbukas pagdating ng hatinggabi. Sa huling bahagi ng Disyembre, ipinairal ng gobyerno ng Catalan ang ilan sa mga pinaka-mahigpit na hakbang ng Spain upang labanan ang Omicron, kung saan nagpataw sila ng isang night curfew mula 1:00 ng madaling araw, pagsasara ng mga nightlife venue at pagbabawas ng kapasidad sa mga bar at restaurant.
Sa kabila ng mataas na vaccination rates, bumugso ang Covid cases sa Spain noong holiday season at naging isa sa may pinakamataas na incidence rate sa Europa, nguni’t bumaba na ito sa kasalukuyan.
Sa ngayon ang Spain ay nakapagtala na ng may 10.5 million infections at higit 95,000 naman ang namatay.