Outgoing Chief Justice Teresita de Castro, nagpaalam na sa mga opisyal at kawani ng Korte Suprema sa kanyang huling Flag raising ceremony

Binigyan ng arrival honors ng Korte Suprema si outgoing Chief Justice Teresita de Castro sa kanyang huling flag raising ceremony.

Sinalubong ng palakpakan at hiyawan ng mga empleyado ng Supreme Court si  De Castro sa kanyang pagdating sa SC quadrangle sakay ng puting van.

May malaking tarpaulin din na may larawan ni De Castro at mga salitang Thank You  Chief  Justice Teresita de Castro sa harap ng lobby ng Supreme Court.

Present sa flag raising ceremony sina Associate Justices Diosdado Peralta, Mariano Del Castillo, Estela Perlas Bernabe, Francis Jardeleza, Benjamin Caguioa, Noel Tijam, Andres Reyes Jr at Jose Reyes Jr.

Nasa official travel sina Associate Justices Lucas Bersamin at Marvic Leonen habang di nakadalo sa flag raising ceremony sina Senior Associate Justice Antonio Carpio at  Associate Justice Alexander Gesmundo.

Sa kanyang talumpati, nagpaalam at pinasalamatan ni De Castro ang mga kapwa niya mahistrado at mga kawani na kanyang nakasama sa nakalipas na 11 taon sa Korte Suprema mula nang maitalaga bilang associate justice.

Bukas October 9 ang huling araw ni De Castro sa trabaho kung saan pangungunahan nya ang en banc session sa umaga at oral argument naman ukol sa  ICC withdrawal sa hapon.

Sa mahigit na 40 araw sa pwesto, si De Castro ang may pinakamaikling panunungkulan bilang Chief Justice sa kasaysayan ng Korte Suprema

Ilan sa mga inaksyunan ni De Castro bilang Chief Justice ay ang pagtataas sa basic pay ng mga first level judges sa bansa.

Inaprubahan din nya ang overtime pay ng mga court stenographer at court employees na nagsasagawa ng continuous trial, promosyon ng mga career employees at opisyal ng korte at pinunan ang mga posisyon na maraming taon ng nabakante.

 

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *