Outgoing Justice Sec. Guevarra, hinimok ang DOJ employees na suportahan ang susunod na liderato ng kagawaran
Nagpasalamat si outgoing Justice Sec. Menardo Guevarra sa mga kawani ng DOJ sa kanyang huling flag raising ceremony sa kagawaran bilang hepe nito.
Sa kanyang farewell speech, sinabi ni Guevarra na hindi niya makakalimutan ang kabutihan ng mga DOJ employees para sa kanilang buong suporta at kooperasyon sa kanyang pamumuno sa departamento sa nakalipas na mahigit apat na taon.
Kasabay nito, hinikayat ni Guevarra ang mga tauhan ng DOJ na ipakita ang parehong suporta at kabutihan sa susunod na kalihim ng DOJ at sa grupo nito.
Una nang nagsagawa ng transition meeting sina Guevarra at incoming Justice Secretary Crispin Remulla.
Ipinagmalaki naman ni Guevarra na isa sa mga accomplishment nila sa DOJ ay napataas nila ang tiwala at respeto ng publiko sa kagawaran.
Umaasa naman ang kalihim na na-inspire niya at ng kaniyang team ang mga kawani ng DOJ para i-uphold ang rule of law at isulong ang karapatang pantao sa lahat ng pagkakataon.
Si Guevarra ay manunungkulan na Solicitor General sa ilalim ng incoming Marcos Administration.
Moira Encina