Outgoing Ozamiz City Police Chief Espenido naghain ng kontra-salaysay sa DOJ kaugnay sa kaso ng napatay na Ozamiz 9

Naghain ng kontra-salaysay sa DOJ sina outgoing Ozamiz City Police Chief Jovie Espenido at tatlo nitong tauhan sa reklamong kriminal laban sa kanila kaugnay sa napatay na tinaguriang ozamiz 9 sa serye ng raid noong Hunyo a-uno.

Sa kanilang counter affidavit, hiniling sa DOJ nina Espenido,  Chief Inspector Glyndo Lagrimas, SPO4 Renato Martir Jr. at PO1 Sandra Louise Nadayag na ibasura ang  reklamong paglabag sa Article 124 o Arbitrary Detention at Article 248 o murder sa ilalim ng revised penal code laban sa kanila.

Iginiit ng mga respondents na walang murder na nangyari dahil lehitimong police operation ang kanilang isinagawa noong June 1 laban sa mga sinasabing sangkot sa serye ng holdapan at pamamaril sa Ozamiz.

Ang reklamo ay inihain ni Carmelita Manzano na kasama sa mga naaresto at asawa at ina ng dalawa sa mga napaslang sa raid.

Samantala, inihayag ni Espenido na hindi pa niya tiyak kung kailan siya magsisimula bilang hepe ng pulisya sa Iloilo City dahil wala pang assignment order sa kanya.

Kampante naman si Espenido na 99 percent ng kanyang misyon sa Ozamiz ay nagawa na niya.

Pero may ilan pa aniyang kaanak ang Parojinog na kanilang tinatrabaho dahil sa hinihinalang sangkot din ang mga ito sa iligal na droga.

Ulat ni: Moira Encina

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *