Outgoing Senator Loren Legarda naproklama na bilang Congresswoman ng Antique
Pinroklama na bilang bagong Congresswoman ng probinsya ng Antique si outgoing senator Loren Legarda.
Kasama sa naiproklama si Gov. Rhodora Cadiao, Vice-Governor Edgar Denosta at Sangguniang Panlalawigan members.
Halos dalawang araw ang inabot ng transmission ng Election Returns dahil nagloko ang SD card sa bayan ng Bugasong.
Bandang alas 10:50 ng gabi ng Mayo 14, 2019 natapos ang transmission ngunit medyo naantala ang proklamasyon dahil naghain ng petition to deferred the procalamation si Atty. Joebert Pahilga, abogado ni Congressional candidate Exequiel Javier sa Provincial Board of Canvassers sa pangunguna ni Atty. Wil Arceño.
Ayon sa petisyon may pending case sila laban kay Loren Legarda ukol sa pagiging residente nito sa probinsya.
Hinarap naman ni Atty. Pampross Pagunsan at Judge Nery Duremdes ang nasabing petisyon.
Hinayaan ni Provincial Board of Canvassers Chairperson, Atty. Wil Arceño na magpahayag ang dalawang panig.
Pagkatapos nito pinagpasyahan nilang ituloy ang proklamasyon dahil ayon sa kanila matagal ng nadismiss ang kaso at nakapending naman ang motion for reconsideration ng kampo ni Javier.
Dagdag pa nila, maaari lamang ipagpaliban ang proklamasyon kung may order galing sa Comelec Enbanc.
Bandang alas 11:30 ng gabi sinimulan ang proklamasyon sa mga posisyong Congressman, Governor, Vice-Governor at Sangguniang Panlalawigan members.
Dahil dito, nagpasalamat si newly elected Congresswoman Loren Legarda sa suportang ibinigay sa kanya ng mga Antiqueño.
Nangako ito na ibibigay niya ang lahat ng kanyang makakaya para sa ikauunlad ng probinsya ng Antique.
Ulat ni Jhony Valenzuela