Outing ng mga PET revisors at VP Robredo, itinuturing na “Korapsyon” ng kampo ni dating Senador Bongbong Marcos

 

Tinawag na “korapsyon” ng kampo ni dating Senador Bongbong Marcos ang naging outing sa Laguna ng mga head revisors ng Presidential Electoral Tribunal o PET kasama si Vice-President Leni Robredo at mga revisors din nito.

Ayon kay Atty. Vic Rodriguez, tagapagsalita ni Marcos, nagkamabutihan at nagra-aregluhan na ang mga PET revisors at mga revisors ni Robredo.

Isa aniya sa mga matibay na dokumentong kanilang pinanghahawakan ay ang post sa facebook ng isa sa mga head revisors ng pet na pinangalanan niyang si Maria Katrina “Che-Che” Rosales kung saan makikita doon ang naging outing ng mga ito sa Pansol.

Aniya, tila ginigisa sila sa sarili nilang mantika dahil malinaw na nagkasabwatan na umano ang kampo ng Bise-Presidente at mga  revisors ng PET na dapat sana ay nananatiling neutral.

Eh kaya talaga nakakagalit spaagkat tila yata with impunity na itong panloloko na ginagawa ni Mrs. Robredo, dinaya mo na nga si Senador Marcos noong halalan, ngayon naman ay pilit mong kino-corrupt at iniimpluwensyahan ang mga head revisors ng PET at iba pang personnel. Hindi nagkamali si Pangulong Duterte na sabihing Incompetent siya eh”.

Pinagtawanan din ng kampo ni Marcos ang naging pahayag ni Atty. Romulo Macalintal na alam ng dating Senador  ang nasabing outing dahil siya mismo ang nagpadala at nagbayad ng mga pagkain sa outing ng mga ito.

Mas mahaba pa rin ang kabutihan kaysa kasamaan at kasinungalingan. Imagine sa harap ng milyun-milyong Filipino, nagsisinungaling ka sinasabi mo na alam ito ni Senador Marcos. Ito klarong-klaro, huling-huli ka na, nagpapalusot ka pa. Nagpost sila sa FB at yun ang malaking pagkakamali nila”.

Samantala, bukod sa inihaing 12-pahinang Manifestation of grave concern with urgent motion to investigate ng kampo ni Marcos, sinabi pa ni Atty. Rodriguez na pinaplano din nilang maghain ng kasong paglabag sa Republic Act 3019 o Anti-graft laban sa mga PET personnel at Head revisors dahil sa pagpayag ng mga ito na magamit sila sa korapsyon.

 

================

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *