Over Importation ng Manok bubusisiin sa Kamara
Magsasagawa ng imbestigasyon ang Kongreso sa napapaulat na over supply ng manok.
Sinabi ni Congressman Mark Enverga, Chairman ng House Committee on Agriculture and Foods na aalamin ng Kamara kung nagkakaroon ng dumping o over importation ng manok kaya bumabaha ang supply sa merkado.
Nanawagan ang Mambabatas sa Department of Agriculture o DA, Department of Trade and Industry o DTI at Department of Finance o DOF na magsagawa ng Motu Propio Inventory kung totoong mayroong dumping o over importation ng karne ng manok sa bansa.
Samantala, iginiit ng Philippine Association of Feed Millers na dapat ipatupad ng Gobyerno ang 5 percent tariff sa importasyon ng Yellow Corn na pangunahing sangkap sa feeds na kinakain ng mga manok.
Ganito rin ang posisyon ng Management Association o MAP na nanawagan din sa Pamahalaan na magsagawa ng restructuring sa Taripa sa mga inaangkat na karne kasama ang manok.
Vic Somintac