Overall Deputy Ombudsman Warren Liong umangal sa suspension order na ipinataw ng Office of the Ombudsman
Kinuwestiyon ni Overall Deputy Ombudsman Warren Liong ang inilabas na anim na buwang preventive suspension laban sa kaniya kasama ang iba pang opisyal ng gobyerno.
Ito’y matapos magpalabas ng preventive order ang Office of the Ombudsman laban sa mga opisyal ng Procurement Service-Department and Management o PS-DBM at Department of Health.
Sa inilabas na pahayag ni Liong sa pamamagitan ng kaniyang abogado na si Atty. Rafael Calinisan iginagalang niya ang institusyon ng Office of the Ombudsman.
Gayunman lubos na ikinalulungkot ni Liong ang reklamo at suspension order laban sa kanya dahil wala umano siyang ginagawang kuwestiyonableng aksyon.
Nilinaw ng kampo ni Liong na wala siyang direkta at personal na kamay sa procurement ng mga medical supplies noong kasagsagan ng pananalasa ng COVID-19 pandemic sa bansa dahil ang kanyang trabaho ay may kinalaman lamang sa policy making bilang director ng PS-DBM.
Ayon kay Liong walang nangyaring overpricing kung susundin ang audit report sa Commission on Audit o COA.
Iginiit ni Liong na umiiral ang Republic Act 11469 o Bayanihan to heal as one act kung saan malinaw na nagbibigay ng exemption mula sa government procurement reform act at iba pang batas dahil sa ilalim ng State of National Health Emergency ang bansa dulot ng pandemyang COVID-19 ay pinahihintulutan ng batas ang emergency procedurement kahit walang public bidding.
Vic Somintac