Overfishing ng mga barko ng China sa West philippine sea pinaiimbestigahan sa BFAR at DND
Pinaiimbestigahan ni Senator Risa Hontiveros sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ang umano’y overfishing ng mga barko ng china sa west philippines.
Sinabi ni Hontiveros na masyado nang dehado ang mga mangingisdang pinoy at malaki na ang nalulugi sa kanila dahil hindi malayang nakapangingisda.
Sinabi ng Senador na karapatan ng gobyerno na protektahan hindi lang ang legal jurisdiction ng mamamayan sa west philippine sea kundi ang food security.
Kwestyon ng Senador ano na ang kakainin ng mga mangingisda kung may mga barko ng China na hinaharangan ang kanilang paglalayag.
Statement Senator Risa Hontiveros
(Magkano ba ang nawawala sa atin dahil hindi tayo makapangisda nang malaya? Protecting our rights in the WPS is not just about our legal jurisdiction, but also about our country’s food security. Ano na ang kakainin ng ating mga mangingisda kung pati ang mismo nilang huli ay inaagaw rin ng Tsina? Ano na ang magiging kabuhayan nila kung may mga barko ng Tsina na hinaharangan ang kanilang paglayag sa sarili nating karagatan?“Government should be able to allow Filipino fishers to freely conduct their business: to catch fish. Ngayon, parang pinutulan ng kabuhayan ang sarili nating kababayan,)
Nauna nang nagreklamo ang mga mangingisda dahil sa mga barko ng China na naka angkla ilang kilometro ang layo sa San Antonio Zambales.
Giit ng Senador dapat kumilos ang bfar at department of national defensr para imonitor rin kung gaano karaming mga isda at ibang seafood ang nawawala sa kabuhayan ng bansa dahil sa pambu bully ng China