Overseas absentee voting sa ilang bansa suspendido ayon sa Comelec
Inanunsyo ng Commission on Elections na suspendido ang Overseas Absentee Voting sa ilang bansa.
Ayon kay Comelec Commissioner Marlon Casquejo, kabilang sa mga apektado ay ang Baghdad sa Iraq, Tripoli sa Libya, Algeria, Chad, Tunisia, Islamabad sa Afghanistan, at Ukraine.
Para sa Iraq, Libya, Algeria, Chad, at Tunisia, wala daw kasing kapasidad na magsagawa ng halalan roon.
Sa Afghanistan naman, may mandatory repatriation kasi na ginagawa mula pa noong August 2022.
Habang sa Ukraine naman may nangyayaring kaguluhan.
Ayon kay Casquejo, 127 rehistradong botante lang naman ang apektado sa suspension.
Hindi pa naman matiyak ng Comelec kung kailan maisasagawa ang halalan sa Shanghai China na naka-indefinite lockdown pa.
Aabot umano sa mahigit 1,600 botante ang apektado rito.
Madz Moratillo