Overseas absentee voting turnout, naitala sa 27% as of May 7, 2022
Umaabot na sa 27.84% ng mga rehistradong botanteng Pilipino sa ibang bansa ang nakaboto na para sa May 2022 elections.
Ayon sa Comelec, mula sa 1,697,215 registered overseas voters, nasa 472,559 na ang nakaboto hanggang kahapon, May 7.
Mula sa nasabing bilang, nakapagtala ng pinakamaraming botante ang Middle East at African region na pumalo sa 786,997.
Sinundan ito ng Asia Pacific Region na umabot sa 450,282; North at Latin American Region sa 306,445; at ang European Region na nakapagtala ng 153,491 voters.
2019 nang makapagtala ang Comelec ng 18% absentee voter turnout.
Ang overseas voting ay nagsimula noong April 10, 2022 at magtatapos bukas, May 9, 2022.