OVP nagsimula nang mamahagi ng Medical at Burial Assistance
Sinimulan na ni Vice president Sara Duterte ang pamamahagi ng medical at burial assistance sa mga mahihirap na kababayan sa buong bansa.
Sa pamamagitan yan ng kaniyang satellite office na inilunsad noong July 1.
Ayon kay Atty. Reynold Munsayac tagapagsalita ni Duterte, binuksan ang mga satellite office para maabot ng serbisyo lalo na ang mga nasa labas ng Metro Manila.
Sinabi ni Munsayac maaring makakuha ng medical at burial assistance sa kanilang mga matutukoy na mga partner hospital.
Popondohohan rin ito bilang subsidy sa ilalim ng annual general appropriations.
Kailangan lang mag fill out ng application form, magsumite ng mga hinihinging requirements saka ipoproseso.
Ang kanilang satellite office ng Office of the Vice president ay matatagpuan sa Dagupan, Cebu, Tacloban, Zamboanga, Davao at sa Tandag Surigao del sur.
Plano ng OVP na dagdagan pa ang kanilang mga satellite offices sa ibat – ibang lalawigan sa bansa.
Meanne Corvera