OWWA official sa Kuwait, sinibak sa puwesto dahil sa kabiguang aksyunan ang kaso ni Joanna Demafelis

Sinibak na sa puwesto ang isang opisyal ng Overseas Workers Welfare Admimistration o OWWA matapos itong mabigong aksyunan ang noo’y napaulat na pagkawala ng OFW na si Joanna Demafelis.

Ayon kay OWWA Administrator Hans Leo Cacdac, mas malalim pang imbestigasyon ang kanilang isasagawa oras na dumating na sa bansa ang  nasabing sinibak na welfare official.

Ayon naman kay POEA Chief Jing Paras, posibleng madagdagan pa ang mga siisbakin sa puwesto sa pagpapatuloy ng kanilang imbestigasyon sa kaso ni Joanna.

Matatandaang sinabi ng kapatid ni Joanna na si Jojit Demafelis, humingi sila ng tulong noon sa OWWA matapos maputol ang komunikasyon sa kanilang kapatid sa Kuwait.

Ngunit pinagpasa-pasahan lamang aniya sila ng OWWA at POEA.

Tiniyak naman ni Cacdac na walang whitewash sa gagawing imbestigasyon sa mga tauhan ng ahensya na may pananagutan.

 

===  end  ===

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *