Ozamiz City Councilor Ricardo “Arthur” Parojinog, inilagay sa Immigration Lookout Bulletin ng DOJ

Inilagay ng DOJ sa Immigration Lookout Bulletin si Ozamiz City Councilor Ricardo “Arthur” Parojinog.

Ang lookout bulletin order ay ipinalabas ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II kasunod ng madugong raid ng pulisya noong linggo sa Ozamiz kung saan napatay ang mga kaanak ni Ricardo na sina Ozamiz City Mayor Reynaldo Parojinog Sr. at ang asawa nitong si Susan.

Wala si Ricardo sa kanyang tahanan nang isilbi ng mga pulis ang search warrant na inisyu ng Quezon City RTC para sa illegal possession of firearms and ammunition.

Pero nasamsam sa bahay ng Konsehal ang shabu at drug paraphernalia, isang shotgun, tatlong ocket propelled-grenade launchers, dalawang hand grenades at m79 ammunition

Sa ilalim ng ILBO, inaatasan ang Bureau of Immigration na imonitor at iulat sa otoridad ang anomang tangka ni Ricardo Parojinog na umalis ng bansa.

Ulat ni: Moira Encina

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *