Ozone layer, “on road to recovery” na ayon sa UN weather body
Sinabi ng World Meteorological Organization, na nasa “road to long-term recovery” na ang ozone layer ng mundo sa kabila ng mapaminsalang pagputok ng bulkan sa South Pacific, makaraan ang mga pagsisikap na i-phase out ang mga ozone-depleting chemical.
Ayon sa United Nations agency, “On current trends, the ozone layer is on track to recover to 1980 levels by around 2066 over the Antarctic, 2045 over the Arctic and 2040 for the rest of the world.”
Bagama’t ang volcanic eruption malapit sa Tonga sa mga unang bahagi ng 2022, ay nagresulta sa isang maikling panahon ng “accelerated depletion” ng ozone sa ibabaw ng Antarctica noong nakaraang taon, dulot ng mas mataas na lebel ng atmospheric water vapor, ang “overall losses” ay limitado.
Ang ozone layer ang proteksiyon ng mundo mula sa ultraviolet radiation ng araw, na iniuugnay sa skin cancer at iba pang panganib sa kalusugan.
Sa isang pahayag ay sinabi ni UN Secretary-General Antonio Guterres, “The Montreal Protocol, which came into effect in 1989, agreed to phase out chlorofluorocarbons (CFCs) and other ozone-depleting substances, and its success ‘stands out as a powerful symbol of hope’ at a time when multilateral cooperation has come under strain.”
Hindi man lubusan pang napi-phaseout, ang CFC ay malawakan nang pinalitan ng hydrofluorocarbon (HFC), na hindi nagdudulot ng pagkasira ng ozone ngunit isang malakas na greenhouse gas na nagpapainit naman sa klima.
Ipinatutupad na ngayon ng mga bansa ang 2016 Kigali amendment sa Montreal, upang i-phase down ang HFC production, na maaaring maging daan upang mabawasan ng humigit-kumulang 0.5 degrees Celsius ang pag-init pagdating ng 2100.
Ang China ang namamalaging pinakamalaking producer ng HFC sa buong mundo, na ang kasalukuyang kapasidad ay katumbas ng halos 2 billion metric tons ng carbon dioxide. Halos sangkapat (quarter) nito ay ini-export nila.
Nitong Lunes ay sinabi ng environment ministry ng China, “I would soon publish a plan to better control HFC production. As a developing country, it is obliged to cut HFC consumption by 85 percent from 2013 to 2045.”
Binawasan ng China ang kanilang manufacturing quotas at pinigil ang ilegal na produksiyon, ngunit nagbabala na ngayong taon ay “nahaharap pa rin sa malaking hamon” para i-phase down ang HFC, na ginagamit sa malawak na hanay ng iba’t ibang mga industriya, na ang marami sa mga ito ay nahihirapang makahanap ng mga kapalit na produkto.