P 1.4 B na halaga ng military equipment, ipinagkaloob ng US sa Pilipinas
Tumanggap ang gobyerno ng Pilipinas ng mahigit isang bilyong pisong halaga ng military equipment mula sa Estados Unidos.
Si Acting US Secretary of Defense Christopher Miller ang nag-turnover ng Php1.4- B na halaga ng defense articles sa kanyang pagbisita sa bansa.
Kabilang sa mga ipinagkaloob ng US ay sniper at anti-IED equipment.
Ayon sa US Embassy, ang mga bagong kagamitan ay bilang suporta sa modernization goals ng Armed Forces of the Philippines.
Mapapalakas ng mga nasabing military equipment ang joint precision strike, sniper, riverine, at counter-improvised explosive device capabilities ng AFP.
Binigyang-diin ni Miller sa kanyang pakikipagpulong sa mga opisyal ng Pilipinas ang kahalagahan ng alyansa ng US at Pilipinas para sa national at regional security.
Nagpasalamat naman si Defense Secretary Delfin Lorenza sa suporta ng US para mapatatag ang defense capabilities ng Pilipinas.
Moira encina