P 53.6-M na halaga ng smuggled na sibuyas at iba pang Agri products nakumpiska ng composite team ng DA
Nasamsam ng composite team ng Department of Agriculture o DA na kinabibilangan ng Bureau of Plant Industry o BPI, Philippine Coast Guard o PCG, Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA, Manila International Container Port Investigation Service at Customs Intelligence ang 8 forty footer container vans na naglalaman ng frozen yellow onions, red onions, frozen fish tofu at frozen squid flower na nagkakahalaga ng 53.6 million pesos.
Sinabi ni Agriculture Assistant Secretary for Inspectorate and Enforcement James Layug na naunang idineklarang steamed buns ang laman ng 8 container vans na naka-consigned sa Taculog J International Consumer Goods Trading.
Ayon kay Layug nakatanggap sila ng inpormasyon na ang 8 container vans ay naglalaman ng mga smuggled na sibuyas at frozen fish kaya nagsagawa ng verification ang mga otoridad.
Inihayag ni Layug inihahanda na ang kasong paglabag sa Anti Agricultural Smuggling Act of 2016 at Food Safety Act of 2013 sa importers
Niliwanag ni Layug na mayroon pang shipment ang under surveillance na hinihinalang naglalaman ng mga smuggled agricultural products.
Vic Somintac