P 6-Billion na ayuda para sa mga mahihirap naibigay na sa mga barangay sa buong bansa – DSWD
Na download na ng Department of Social Welfare and Development o DSWD ang anim na bilyong pisong pondo sa mga barangay sa buong bansa para sa cash assistance ng pamahalaan sa mga mahihirap na mamamayan.
Ito’y matapos ipag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay DSWD Secretary Erwin Tulfo na ituloy ang pamamahagi ng ayudang pinansiyal sa mga mahihirap na mamamayan.
Sinabi ni DSWD Spokesperson Irene Dumlao na kabuuang 12.4 milyong benepisaryo ng 4Ps o Pantawid Pamilyang Pilipino, Unconditional Cash Transfer at Social Pension Indigent ang makikinabang sa ibinigay na cash assistance na nagkakahalaga ng isang libong piso para sa dalawang buwan.
Ang pamamahagi ng cash assistance sa mga mahihirap na mamayan ay tulong ng gobyerno para makaagapay ang mga ito sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
Vic Somintac