P 930-M na utang ng Philhealth sa Phil. Red Cross babayaran – PRRD
Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na babayaran ang pagkakautang ng Philippine Health Insurance o Philhealth sa Philippine Red Cross na nagkakahalaga ng 930 million pesos.
Sa kanyang address to the nation nakiusap ang Pangulo kay Philippine Red Cross Chairman Senador Richard Gordon na maghintay lang at naghahanap ang gobyerno ng pera para mabayaran ang utang ng Philhealth sa Red Cross.
Nagpahayag naman ng paniniwala ang Pangulo kay Senador Gordon na sa ngalan ng pagseserbisyo sa bayan sa gitna ng pandemya ng covid 19 ay hindi tuluyang ititigil ng Philippine Red Cross ang pagsasagawa ng PCR swab test sa publiko.
Magugunitang naglabas ng pahayag ang Philippine Red Cross na ititigil muna ang pagsasagawa ng swab test sa publiko hanggat hindi nababayaran ng Philhealth ang naipong pagkakautang na umaabot na sa 930 million pesos.
Vic Somintac