P1.5-trillion na economic recovery stimulus program ng gobyerno inihain sa Kamara
Naghain ang grupo ng mga mambabatas na mula sa Bicol region ng 1.5-trillion pesos na National Economic Stimulus and Recovery Act para sa Marcos Administration.
Ayon kay Camarines Sur Congressman LRay Villafuerte, maaari itong magamit ni Pangulong Bongbong Ferdinand Marcos Jr. upang makalikha ng sustainable jobs at mapabilis ang recovery ng Pilipinas mula sa COVID-19 pandemic at Russia-Ukraine conflict.
Sinabi ni Villafuerte na ang kanyang panukalang batas ay parehas sa pandemic recovery package na inilatag ng Amerika mga bansang miembro ng European Union o EU, South Korea at Thailand.
Niliwanag ni Villafuerte ito ay alinsunod sa hudyat ni Incoming Speaker Martin Romualdez na magiging prayoridad ang “Bayan Bangon Muli” o BBM bill sa 19th Congress.
Vic Somintac