P183-M na halaga ng smuggled na sigarilyo,Sinira ng BOC sa Zamboanga
Aabot sa 183 milyong pisong halaga ng mga smuggled na sigarilyo ang sinira ng Bureau of Customs sa Zamboanga City.
Ayon sa BOC, nasa mahigit 5 libong master cases ng sigarilyo na nasabat mula sa magkakahiwalay na anti-smuggling operations mula noong September 2020 ang sinira.
Karamihan umano sa mga sigarilyo na ito ay mula sa Taiwan.
Pinadaanan muna sa payloader ang mga sigarilyo at pagkatapos ay saka binasa bago dalhin sa sanitary landfill upang masigurong hindi na mapapakinabangan.
Layon ng pagsirang ito sa mga nasasabat na iligal na kontrabando na maipakita ang transparency at masiguro sa publiko na hindi nananakaw ang kanilang mga makukumpiskang produkto.
Ayon sa BOC aabot na sa 2.2 bilyong pisong halaga ng mga iligal na kontrabando ang nasabat ng Customs sa Port of Zamboanga mula Enero hanggang Nobyembre ng taong ito.
Madz Moratillo