P2-billion na pondo ng DENR ipinalilipat ng isang Senador sa National Children’s Hospital
Ipinalilipat ni Senador Raffy Tulfo ang dalawang bilyong pisong pondo ng Department of Environment and Natural Resources sa National Children’s Hospital.
Sa kanyang privilege speech sa Senado sinabi ni Tulfo na higit na nangangailangan ng pondo ang hospital at kanilang mga pasyente.
Inilarawan ni Tulfo ang kalunos-lunos na kalagayan ng mga batang pasyente, mga doktor, nurses at mga medical personnel sa NCH.
Katunayan sa kanyang sa pagbisita sa naturang hospital nakita niya ang sira-sirang bintana na tinatakpan lamang ng plywood, wasak ang ilang kisame, walang ventilation at may kakulangan sa mga medical personnel.
Kaawa-awa rin aniya ang kundisyon ng mga batang pasyente na inaabot pa ng tatlong taon ang pag-aantay bago masimulan ang therapy habang ang kanilang kuwarto para sa therapy halos kalahati lang ng comfort room ng Senado.
Dahil sa kakulangan aniya ng budget, hindi mabigyan ng ospital ng sapat na medical attention ang mga batang pasyente.
Ilan sa kanila kailangan pang maghintay ng tatlong taon para maisailalim sa physical, speech at iba ang therapy.
Hinikayat ni Tulfo ang mga kapwa Senador na tingnan ang sitwasyon sa National Children’s Hospital.
Meanne Corvera