P235-M financial support para sa EAMC, ibinigay ng Office of the President

Nai-turn over na ng Office of the President ang financial support na nagkakahalaga ng P235 million sa East Avenue Medical Center (EAMC) sa Quezon City.

Ito ay ilalaan partikular para sa upgrading ng Medical Oxygen Generating System at iba pang kagamitan ng EAMC at para mas maraming mahihirap na pasyente ang matulungan.

Kasabay nito, personal na bumisita si Sen. Bong Go sa EAMC para ipakita ang commitment ng gobyerno sa pagpapabuti pa ng public health services sa gitna ng nagpapatuloy na laban sa COVID-19.

Maliban sa pondo para sa EAMC, nagbigay rin ang Office of the President ng tig- P100 milyong pondo para matulungan ang mga pasyente sa National Children’s Hospital (NCH), National Kidney and Transplant Institute (NKTI), Philippine Orthopedic Center (POC) at National Center for Mental Health (NCMH).

Tiniyak naman ni Go na isusulong niya ang mga panukalang batas para mas mapalawak pa ang kapasidad ng health care system sa lahat ng antas ng lipunan.

Maraming Pilipino pa kasi aniya lalo na ang nasa malalayo at liblib na lugar ang wala pa ring access sa essential health services.

Nagpasalamat naman ang senador sa lahat ng frontline workers na nagbubuwis ng buhay araw-araw para sa pagseserbisyo sa publiko.

Nangako rin itong patuloy na isusulong ang mga panukala na magbibigay ng karagdagang benepisyo para sa kanila.

Kaugnay nito, namahagi ang team ni Go ng food packs, vitamins, at face masks sa mga health workers sa nasabing pagamutan at maging sa mga indigent patients roon.

Namigay rin sila ng mga bagong sapatos at bisikleta sa ilang piling healthworkers para sa kanilang araw-araw na pagpasok sa trabaho at tablets para makatulong sa pag-aaral ng kanilang mga anak.

Madelyn Moratillo

Please follow and like us: