P286 billion na foreign tourism revenue, naitala ng DOT mula Enero hanggang Hulyo ngayong taon
Umabot na sa P286 bilyon ang kita ng bansa mula sa mga dayuhang turista mula Enero hanggang Hulyo ngayong 2023.
“Foreign tourism receipts from January to July 2023, P286 BILLION”
Ito ang iniulat ng Department of Tourism (DOT) sa Post-SONA Philippine Economic Briefing (PEB).
Sinabi ng DOT na ang nasabing foreign tourism receipts ay kasang-ayon ng mahigit 66 percent na tourism international arrivals recovery ng bansa batay sa second UNWTO World Tourism Barometer on the Recovery by Region sa unang quarter ng taon.
Kaugnay nito, naitala ng tourism department ang halos 3.38 milyon na foreign visitor arrivals hanggang noong August 10.
“Foreign tourism arrivals as of aug.10, 2023, ay 3,376,514” pag-uulat ng DOT
Lagpas na umano ito sa 70% ng target ng bansa ngayong taon na 4.8 million international arrivals.
“70.34% of the baseline industry target” ayon pa sa DOT
Tiwala ang DOT na mas tataas ang mga nasabing bilang dahil nagbukas na nang buo ang turismo sa bansa at pagbigay ng prayoridad sa turismo ng Marcos Administration.
Moira Encina