P340k halaga ng shabu nasabat sa isang drug suspect sa Makati City

Courtesy: SPD
Inaresto ng mga tauhan ng Makati City police station Drug Enforcement Unit at sub-station 6, ang isang suspek dahil sa paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.
Nahuli sa isinagawang buy-bust operation ang trenta anyos na suspek na nakilala sa alyas na Otoy, sa Barangay Guadalupe Viejo sa Makati City.

Courtesy: SPD
Aabot sa limampung gramo ng hinihinalang shabu ang nakumpiska sa suspek na may katumbas na halagang P340,000.
Narekober din sa suspek ang P80,000 buy-bust money.
Si alyas Otoy ay nakaditini na sa custodial facility ng Makati Police Station.
Archie Amado