P4.506-Trillion 2021 Nat’l budget, Handa na para lagdaan ni Pangulong Duterte
Pirmado na nina Senate president Vicente Sotto at House speaker Lord Alan Velasco ang panukalang P 4.5 Trillion National budget para sa susunod na taon.
Ayon kay Sotto , ipadadala na ang libro ng budget sa Malacañang ngayong araw para malagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Lumagda rin sa kopya ng budget sina Senate Secretary Myra Marie Villarica AT House Secretary General Mark Mendoza.
Sa inaprubahang budget ang sektor ng edukasyon ang napaglaanan ng malaking bahagi ng pondo na umaabot sa P 708.2 billion na sinundan ng Department of public works and highways o DPWH na may P 694.8 billion.
Pero tiniyak ni Sotto na may sapat na pondo ang sektor ng kalusugan para patuloy na lumaban sa banta ng COVID-19 pandemic.
Katunayan naglaan aniya ang kongreso ng 72.5 billion pesos na pambili ng COVID- 19 Vaccine.
Meanne Corvera