P45 million na halaga ng Ukay-Ukay at iba pang pekeng produkto nasabat sa Parañaque
Aabot sa 45 milyong pisong halaga ng ukay ukay at iba mga pekeng produkto ang nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs sa ilang warehouse sa Parañaque.
Ayon sa BOC, nasa mahigit 3 libong bundle ng ukay ukay na nagkakahalaga ng P 25 million at mga mamahaling brand ng sapatos na tinatayang nagkakahalaga ng 15 hanggang 20 milyong piso.
Matapos ang raid, ipinadlock ng mga tauhan ng BOC ang mga pinasok na warehouse para sa full inventory.
Isasailalim naman sa seizure at forfeiture proceedings ang mga nasabat na kontrabando dahil sa paglabag sa RA 10863 o Customs Modernization and Tariff Act, R.A. 8293 o Intellectual Property Code of 1997 at R.A. 4653 o batas na nagbabawal sa importasyon ng mga ukay ukay.
Madz Moratillo