P48.5-M na halaga ng bagong military weapons, tinanggap ng AFP mula sa US
Nai-turnover na ng Joint United States Military Assistance Group – Philippines (JUSMAG-P) sa Sandatahang Lakas ng Pilipinas ang mga bagong sandata at ammunition na nagkakahalaga ng P48.5 million.
Ito ay bahagi ng paggunita sa ika-75 anibersaryo ng diplomatic relations ng Pilipinas at Estados Unidos noong Hulyo 4.
Ayon sa US Embassy, dinala ng JUSMAG- Philippines ang mga military weapon sa Clark Air Base.
Kabilang sa mga ito ay 14 na M2A1 .50 caliber heavy machine guns, pitong M240B machine guns, at libu-libong rounds ng bala.
Sinabi ng JUSMAG- Philippines na ang mga sandata ay para suportahan at palakasin pa ang kahandaan at kakayanan ng AFP sa paglaban sa terorismo.
Ang military weapons ay pinondohan sa pamamagitan ng US grant assistance.
Moira Encina