P5.7T proposed 2024 national budget, isinasapinal na ng DBM
Nasa final stage na ang paghahanda para sa panukalang P5.7 trillion budget ng Marcos administration para sa 2024.
Sa Kapihan sa Manila Bay News Forum, sinabi ni Budget and Management Secretary Amenah Pangandaman na agriculture sector pa rin ang nangunguna sa priyoridad ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
“Agriculture definitely is still top priority. If you will notice, it’s the right thing to invest in agriculture because our GDP growth, yung share ng ating agri sector before it was 0.1% … ngayon, with more investment in agriculture, increase productivity and yield n gating mga farmers, yung share niya sa ating GDP is positive na up to 2%. Kaya I think, tama ang formula, we’re still going to push for that,” paliwanag ni Secretary Pangandaman.
Makakaasa rin aniya ang publiko na hindi babawasan ang pondo para sa mga programang pangkabuhayan ng gobyerno.
“The President gave instructions to also provide for livelihood programs. While we will not decrease or limit the cash transfers kasi alam naman natin that there are, may mga sector na kailangan yan, but I think, as we exit really from the pandemic parang maganda ibigay na natin sa mga kababayan natin ang mga livelihood, bigyan mo sila ng extension or grants or fund para sia ay makapagsimula,” dagdag pa ng DBM chief.
Kasama rin aniya sa prayoridad ng gobyerno ang sektor ng kalusugan.
“Another priority is health. We will continue to invest on our health sector… Huwag naman po sana magkaron ng another virus pandemic or any sickness, we will be able to provide solution to that,” pahayag pa ni Pangandaman.
May pondo rin aniya para sa digitalization ng mga ahensya ng gobyerno…
“We will continue to provide funding for that kasi nag-provide na tayo ng pondo dyan for all the national agencies, ito yung year 1 nila.”
At dahil hindi pa pasado ang panukala para sa Military and Uniformed Personnel (MUP) pension reform bill, sinabi ni Pangandaman na kasama pa rin ito sa nakalatag sa 2024 proposed national budget.
Target aniya ng DBM na maisumite sa Kongreso ang panukalang pambansang pondo, isang linggo pagkatapos ng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Madelyn Moratillo