P6-M pabuya inalok ng DOJ sa makapagtuturo sa anim na suspek sa mga kaso ng mga nawawalang sabungero
May alok na P6 milyon pabuya ang DOJ sa sinuman na makapagsasabi sa kinaroroonan ng anim na suspek sa pagkawala ng ilang sabungero sa Tanay, Rizal.
Inanunsiyo ni Justice Secretary Crispin Remulla sa kaniyang Facebook page ang P6 milyon na reward money matapos ang pakikipag-pulong sa mga kamag-anak ng missing sabungero at mga opisyal ng PNP.
Ayon sa kalihim, ang pabuya ay mula sa anonymous donors.
Sa panayam sa DOJ, sinabi ni PNP- CIDG Chief Romeo Caramat na batay sa kanilang intelligence report ay nasa bansa pa ang mga suspek.
Aniya, itutuon ng mga otoridad ang kanilang panahon sa pagtunton sa anim na may arrest warrant na mula sa korte.
Kinilala ang mga ito na sina Julie A. Patidongan, Gleer Codilla, Mark Carlo E. Zabala, Virgilio P. Bayog, Johnry R. Consolacion, at Roberto G. Martillano Jr.
Moira Encina